Nilinaw na ni Senate President Chiz Escudero na hindi ang Komite ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang mangunguna sakaling itutuloy ng Senado ang pag-iimbestiga sa war on drugs ng Duterte administration.
Sa isang panayam sinabi ni Escudero na naka usap na niya si Senator Bato hinggil dito at sinabing anumang imbestigasyon na patungkol sa kaniya at maging kay Sen. Bong Go ay mas maganda kung hindi sila ang manguna para walang alegasyon na ito ay personal at hindi impartial at hindi patas.
Ayon kay Escudero tinanggap naman ito ni Senator Bato at Kaniya itong isasapormal sa susunod na mga araw.
Sa ngayon posible ang Committee of the Whole ang manguna sa imbestigasyon, subalit kinukunsidera di ni Escudero na ibang komite ang mag handle sa gagawing imbestigasyon.
Nakatakda pang kunsultahin ni Escudero ang ibang mga miyembro ng senado hinggil sa nasabing usapin.
“Haharapin namin yan sa mga susunod na araw, kukunsultahin ang ibang myembro pero nakausap ko na si sen bato kaugnay nyan ang sinabi ko sakanya anomang imbestigasyon na nais nya patungkol sakanya mismo at sen go mas maganda siguro kung hindi sila mismo ang manguna ng komiteng yun para walang alegasyon na ito ay personal at hindi impartial at hindi fair, yun ang haharapin namin sa mga susunod na araw,” pahayag ni SP Escudero.