-- Advertisements --
Tinuldukan na ni Senate President Chiz Escudero ang usapin hinggil sa kudeta na layong patalsikin siya sa pwesto.
Ayon kay Escudero, tsismis lang ang mga alegasyon ng kudeta hangga’t hindi nagkakatotoo.
Sa ambush interview sa Malakanyang, sinabi ni Escudero na kabisado nya na ang coup rumors sa 9 na taon niya sa Kamara at 14 na taon sa Senado.
Sa tanong kung secure ito sa kanyang posisyon, sagot ni Escudero, ang pagiging Senate President maging ang pro-tempore, at chairmanships ng mga komite ay nakadepende sa patuloy na tiwala ng mayorya.
Kung maalala may usap usapan sa Senado na mayruon umanong nilulutong kudeta laban kay Escudero at si Senator Jinggoy Estrada ang umanoy ipapalit sa pwesto.