-- Advertisements --

Tinanggap at pinasalamatan ni Senate President Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero ang naging insiyatibo ni Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel na tumulong sa pagbuo at pag-draft ng mga rules para sa magiging impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ani Escudero, nagkita sila ng senador sa isang kapihan sa Marikina at doon inihayag ni Pimentel angkaniyang inisyatibong tumulong sa paggawa ng rules para sa trial.

Hindi rin umano mahalaga kay Escudero kung sino ang mangunguna sa magiging trial ngunit pagtitiyak ng senador, lahat ng kanilang matatanggap na tulong para sa mas maayos na proseso ng impeachment ay kanilang tatanggapin at agad na makikipagugnayan sa opisina at legal team ng Senado.

Hindi rin umano ikinakaila ni Escudero ang pagiging magaling na abogado ni Pimentel bilang isa ito sa mga bar topnotcher at isa sa iilang mga abogado sa loob ng kanilang opisina.

Samantala, ang suhestiyon namang timeline ni Pimentel ay nananatili aniyang proposed time-table at sasailalim pa sa botohan at deliberasyon sa kongreso pagbalik ng sesyon sa June 2 bago mauwi sa pinal na desisyon.

Maging ang rules ay nananatili ding proposals at kailangan ding duman sa masusing deliberasyon at sasailalim rin sa botohan at maaprubahan sa plenaryo.

Lahat ng ito aniya ay mannatili aniyang mga proposals at subject for approval ng plenary o ng impeachment court.

Sa ngayon ay bumubuo na ng draft ang Senado para sa kanilang isusumiteng sagot sa Korte Suprema kaugnay pa rin sa utos ng Korte na magsumite ng eksplenasyon ang Kamara at Senado tungkol sa mga inihain na petisyon sa kanila ng ilang grupo na may kaugnayan pa rin sa impeachment ng pangalawang pangulo.

Inaasahan na magsusumite ang opisina ng mga kaukulang dokumento ngayong linggo.