-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ng Comelec Cauayan City ang pagbawi ng kandidatura ng isang incumbent sangguniang panglungsod member na kumakandidato sa 2022 election.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Election Officer Atty. Jerbee Cortez, sinabi niya na pasado alas-11:00am ay dumating sa kanilang tanggapan si incumbent Sanguniang Panglunsod Member Rufino Arcega para maghain ng kanyang statement of withdrawal.

Magugunita na kabilang si Arcega sa Team Jaycee Dy na naghain ng certificate of candidacy sa tanggapan ng Comelec Cauayan noong October 2, 2021.

Ayon kay Atty. Cortez, ang pagbawi ni Arcega ang kauna unang withdrawal na naitala sa tanggapan ng Comelec Cauayan City.

Sinabi ni Atty. Cortez na batay sa kanyang pakikipag-ugnayan kay SP member mamber Arcega ay sinabing baka hindi umano nito kakayanin pa ang pagiging public servant lalo ngayong panahon ng pandemiya kayat naisipan nitong mag-withdraw na lamang.

Ayon pa sa Comelec, batay sa Section 39 ng Resolution 10717, sinumang aspirant ay maaaring personal na maghain ng kanyang sworn statement of withdrawal sa mga tanggapan ng Comelec.

Sinabi ni Arcega ay kasalukuyang nasa kanyang unang termino pa lamang na dating nanilbihan bilang city agriculturist ng Cauayan City.