-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Temporaryong ini-lockdown ang tanggapan ng Sangguniang Panlalawigan sa Surigao del Sur matapos na dalawa sa kanilang mga empleyado ang nagpositibo sa COVID-19.

Dahil dito’y inihayag ni Ace Orcullo, ang Provincial Human Resource Management (PHRM) officer, 20 mga empleyado ng nasabing tanggapan ang isasa-ilalim sa RT-PCR test ngayong Lunes, Mayo a-31 upang miwasan ang posibleng pagdami pa ng nasabing sakit.

Sa pinakahuling impormasyon, napag-alaman na ang iba sa 20 mga empleyado ay pinahihintulutan ng maka-uwi upang mag-self-quarantine lalo na yaong may mga comorbidities, mga senior citizens, may maintenance na gamot at yaong mayroong anak na may edad na 3-anyos pababa.