Malugod na winelcome ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang balita kaugnay sa pagtatalaga kay PMGen Benjamin Acorda bilang bagong hepe ng pambansang pulisya.
Malaki aniya ang tiwala ng mga nasa Northern Mindanao kay PNP Chief Acorda, dahil nasaksihan aniya ang kanyang mahusay na pamumuno bilang PNP Regional Director ng Police Regional Office 10.
Ayon kay Zubiri, noong nakaraang taon, sa ilalim ng kanyang panunungkulan bilang PNP RD, ang Northern Mindanao ay bumaba ng 9.40 percent rate ng krimen mula Enero hanggang Hunyo.
Naging mas ligtas aniya at mas mapayapa ang mga kalye at komunidad.
Nakita rin aniya mismo kung paano humantong ang kanyang pamumuno sa isang mas matalas, mas aktibong puwersa ng pulisya.
Walang ding duda ang mambabatas kung ano ang ginawa ni Acorda para sa Rehiyon 10 at magagawa pa niya para sa buong bansa.