-- Advertisements --
Pinaplano ng bansang China na dalhin na rin sa kalawakan ang space-based solar power station sa paniniwalang malaki ang maitutulong nito upang mabawasan ang paggamit ng uling na nagiging sanhi ng polusyon at global warming.
Plano umano ng China na mag-invest ng 2.5 trillion yuan ($367 billion) sa mga renewable power generations bago ang taong 2020.
Umaasa naman ang China Aerospace Science and Technology Corporation, main contractor ng nasabing space based-power plant, na masisimulang gamitin ang mga ito sa taong 2050.
Gayunpaman ay nagpahatid si Phang Zhihao, researcher sa China Academy of Space Technology, sa maaaring maging epekto nito sa mga tao. (with report from Bombo Sol Marquez)