Ipinagmalaki ng China ang matagumpay na paglapag sa buwan ng kanilang Chang’e-5 spacecraft.
Inilunsad ang nasabing spacecraft noong Nobyembre 24 na walang tao.
Layon nito ay makakuha ng mga ibang bagay sa buwan para malaman kung saan galing ang buwan.
Kasama sa misyon ang tangkang pagkolekta ng dalawang kilo ng samples sa mga hindi pa nabibisitang lugar sa malawakang lava plain o tinatawag na Oceanus Procellarum o “Oceans of Storms.”
Kasama ng Chang’e-5 spacecraft ang lander vehicle na nakalapag sa ibabaw ng buwan.
Noong 2013 ay unang isinagawa ng China ang lunar landing at noong Enero 2019 ay lumapag ang Chang’e-4 sa malayong bahagi ng buwan.
Sakaling matagumpay ang plano ay magiging pangatlo ang China sa mga bansa na nakakuha ng lunar samples sumusunod sa US at Soviet Union.