-- Advertisements --

MOSCOW – Inilunsad na ngayon ng Russia ang isang space telescope mula sa cosmodrome sa Baikonur, Kazakhstan.

Sa video na ipinost sa website ng Russian space agency na Roskosmos, makikita ang Proton-M rocket bitbit ang Spektr-RG na nag-take off mula sa launch pad sa Baikonur.

Una nang itinakda sa Hunyo 21 ang paglulunsad ngunit naantala nang dalawang beses dahil sa battery problem.

Ang Spektr-RG, na magkasamang dinevelop ng Russia at Germany, ay isang space observatory na naglalayong palitan ang Spektr-R o “Russian Hubble” na umano’y nawala na ng kontrol ang Roskosmos noong Enero.

Noong 2011 nang ilunsad ang Spektr-R upang obserbahan ang mga blackholes, neutron stars at magnetic fields.

Ayon sa Roskosmos, ganito rin ang magiging trabaho ng Spektr-RG pero kukumpletuhin naman nito ang mapa ng mundo. (AFP)