-- Advertisements --
Naging matagumpay ang pagtungo sa International Space Station (ISS) ng tatlong astronauts at isa cosmonaut.
Lulan ang mga ito ng SpaceX Crew Dragon na lumipad sa Keneddy Space Center sa Florida.
Ang misssion ay binubuo nina astronauts Nicole Mann at Josh Cassada ng NASA, astronaut Koichi Wakata ng Japan Aerospace Exploration Agency (JAXA) at cosmonaut Anna Kikina ng Roscosmos.
Ang mission ay pang-anim na astronaut flight na isinagawa ng NASA at SpaceX.
Matatagpuan ang ISS sa 322 kilometers sa ibabaw ng mundo.
Magsasagawa ang mga ito ng pag-aaral sa buwan at matapos ang limang buwan ay babalik ang mga ito sa mundo.