-- Advertisements --
Kinansela ng NASA ang nakatakda sanang pagsasagawa ng spacewalks sa labas ng International Space Station (ISS).
Ito ay matapos na makatanggap sila ng ulat na mayroong “debris notification” sa orbital outpost.
Pangungunahan sana ng mga astronauts na sina Thomas Marshburn at Kayla Barron ang pagtungo sa space laboratory at maglakad ng anim at kalahating oras para palitan ang sirand radio communications antenna.
Ayon sa NASA na hindi nila matiyak kung gaano karami ang mga debris na magiging mapanganib sa mga astronauts.
Magugunitang noong nakaraang mga linggo ay sinira ng Russia ang sarili nila ng satellites noong missile test na nagdulot ng pagkalat ng mga debris.