Matagumpay na naka-dock na ang SpaceX next-generation na Dragon 2 cargo ship sa International Space Station.
Kabilang sa misyon ng SpaceX ay magsagawa ng commercial resupply.
Una na itong umalis nitong nakalipas na Lunes sa Launch Complex 39A sa NASA Kennedy Space Center sa Florida.
Sinasabing mananatili ang Dragon ng isang buwan na nakakabit sa space station at muling itong babalik ng mundo dala ang ilang cargo at research materials.
Sinasabing karga ng spacecraft ang nasa 6,400 pounds ng equipment, mga supplies, kabilang na ang mga “Christmas goodies” para sa holiday dinner.
Ayon sa NASA inihatid din ng Dragon cargo spacecraft ang unang commercially owned at operated airlock sa space station, ang Nanoracks Bishop Airlock, na siyang aayuda sa ISS orbiting laboratory, kabilang na ang CubeSat deployment at support sa external payloads.
Nagpaliwanag din naman ang NASA na bahagi rin ng misyon ay pag-aralan pa ng husto ang heart disease upang suportahan ang treatments sa mga patients sa mundo, gayundin ang pag-research kung paano ang microbes ay magagamit sa biomining sa asteroids at iba pa.