-- Advertisements --
Matagumpay na inilunsad ng SpaceX ang kanilang mammoth Starship rockets mula sa Texas.
Ito na ang pangatlong pagkakataon na nagpalipad ang SpaceX ng kanilang rockets kung saan ang dalawang nauna ay nabigo matapos na ito ay sumabog.
Sa unang pagkakataon ay noong Abril 2023 kung saan ito ay sumabog matapos ang apat na minuto na paglipad.
Ang ikalawang test flight ay noong Nobyembre kung saan ito ay nakalipad ng mataas subalit ito ay pinigilan dahil sa technical issues.
Binati naman ni SpaceX president Elon Musk ang bumubuo ng nasabing flight dahil sa tagumpay.