-- Advertisements --
Matagumpay ang ginawang paglipad ng SpaceX rocket na may lulan na dating NASA astronaut at tatlong nagbayad na mga customer.
Ang nasabing misyon ay isinagawa ng Houston-based na kumpanyang Axiom Space kung saan mananatili ang mga ito ng isang linggo sa International Space Station.
Ang AX-2 ay siyang pangalawang all-private mission na iikot sa kalawakan.
Nagtala rin ito ng kasaysayan sa pamamagitan ng pagsakay sa isang stem cell researcher na si Rayyanah Barnawi na siyang unang babae mula sa Saudi Arabia na magtutungo sa kalawakan.
Pinanguanahan ito ng 63-anyos na dating NASA astronaut Peggy Whitson na ngayong ay empleyado ng Axiom kasama sina John Shoffner na may-ari ng Dura-Line Corp, at Saudi Arabian fighter pilot na si Ali AlQarni.