-- Advertisements --
Nagkaaberya ang SpaceX Starship rocket prototype habang ito ay sumasailalim sa testing.
Nangyari ito sa isinagawang pressurization testing sa Boca Chica facility sa Texas ng ito ay biglang umusok.
Nakatakda kasi ng magsagawa ng practice flights ang Mk-1 prototype na may taas ng hanggang 20km sa mga susunod na linggo.
Gagamitin kasi ng US company ang Starship bilang all-purpose transportation system sa makabagong panahon.
Dito sasakay ang mga tao na iikot sa kalawakan.
Sinabi naman ni SpaceX CEO Elon Musk na hindi na ito mangyayari at ang nasabing rocket ay kanila ng ireretiro.