-- Advertisements --
Aakuin na ng Spain ang pag-host sa UN Climate Change conference sa buwan ng Disyembre.
Ito ay makaraang umatras ang bansang Chile dahil sa nangyayaring gulo roon lalo na ang mga kilos protesta at riots.
Ayon sa United Nations, magaganap ang UN climate change talks sa December 2 hanggang December 13.
Agad namang tiniyak ni Madrid, Spain Mayor Jose Luis Martinez-Almeida, handa nilang i-welcome ang 25,000 delegates.
“Excellent news: Madrid will host the Climate Summit on December 2-13,” ani Spain’s acting Prime Minister Pedro Sanchez sa kanyang Twitter account. “Spain is working from now on to guarantee the organisation of the #COP25.”
Kung maalala maging ang APEC Summit ay kinansela rin ng Chile.