-- Advertisements --
kobe bryant manu

Maraming mga sports analyst lalo na ang mga fans ang nasorpresa na ang pumasok sa finals bukas sa FIBA World Cup ay ang Spain at Argentina.

Bago pa man kasi nagsimula ang prestihiyosong torneyo sa China, inaasahan na ng marami na ang Team USA pa rin ang team to beat.

Ilang mga fans tuloy ang nagsabi na “boring” daw ang FIBA championships dahil wala na ang All-NBA stars ng Amerika.

Pero para sa basketball legend na si Kobe Bryant, 41, magiging makasaysayan ang finals ng Spain at Argentina at tinawag pa niya itong magiging “epic” game.

Naglabas pa ng larawan si Bryant ng picture nila ng isa pang retired NBA superstar at legend na si Manu Ginobili na enjoy na enjoy sa panonood ng FIBA sa China.

“Great basketball with great people at the @FIBAWC. Sunday’s SpainvsArgentina game is going to be epic. #WorldGotGame #FIBAWC @manuginobili,” bahagi ng Twitter message ni Bryant, na isa ring FIBA ambassador.

fiba kobe

Kung maaalala noong kabataan nina Kobe at Manu ay magkaribal ang kanilang koponan na Lakers at Spurs.

Si Ginobili, 42, ay dating national player ng Argentina kaya emotional din ito nang pumasok ngayon ang kanyang bansa sa finals.

Niyakap pa niya ang ilang mga players lalo na ang todong pagbati sa 39-anyos at dating NBA player na si Luis Scola na siyang nagdala sa Argentina patungo sa finals bukas.

Sa lakas ng Argentina ay nagawa nilang masilat ang France (80-66) na siya namang nag-upset sa powerhouse team na USA.

Sa naturang laro kumamada ng 28 points si Escola at may 13 big rebounds upang pangunahan ang Argentina sa unang World Cup Semi-Final win mula noong taong 2002.

Dati nang nagkampeon ang Argentina nang unang isagawa ang World Cup noon pang 1950.

Argentina luis Scola
Veteran and ex-NBA player Luis Scola, 39, of Argentina (photo from FIBA)

Noong World Cup 2002 Final ay nagmuntikan na silang maging world champion at ngayon muling magkakaroon sila ng tiyansa.

Samantala sa panig ng Spain ay marami ang bumati kay Marc Gasol, dahil sa loob lamang ng tatlong buwan ay dalawang championships na ang kanyang pinasok.

Kung maalala si Gasol ay bahagi ng champion team sa NBA na Raptors at ngayon naman ay parte muli siya ng unbeaten Spain.

Alas-8:00 bukas ng gabi ang harapan ng Argentina versus Spain na gaganapin sa Beijing, Wukesong Sport Arena.