-- Advertisements --
Pasok na sa round of 16 ng FIFA Women’s World Cup ang bansang Japan at Spain.
Tinalo ng Spain ang Zambia sa score na 5-0 habang ang Japan ay pinataob ang Costa Rica 2-0.
Sumunod naman na nakapasok sa ikalawang round ang Canada ng talunin ang Ireland sa score na 2-1.
Maghaharap ang Japan at Spain sa araw ng Lunes para malaman ang mananalo sa Group C kung saan parehas sila na mayroong tig-anim na puntos matapos ang dalawang laro.