-- Advertisements --

Desidido ang Spain na buksan na nila ang mga border sa buwan ng Hunyo.

Ito ay matapos ang patuloy na pagbaba ng mga kaso ng namamatay dahil sa coronavirus.

Sinabi ni Transport Minister Jose Luis Abalos na ang nasabing desisyon ay dahil wala na sa 100 ang bilang ng mga nasawi matapos magpositibo sa virus.

Dagdag pa nito na papayagan na nila ang pagbiyahe ng mga turista subalit magiging limitado lamang ang kanilang paggalaw.

Noong nakaraang araw lamang kasi ay nagtala ng 59 katao ang nasawi na siyang pinakamababang naitala mula ng pumutok ang nasabing kaso sa Spain.