-- Advertisements --
Spain fiba champ
World champions Spain during the victory parade (photo from baloncestoesp)

Bumuhos ang mga fans sa mga kalsada ng Madrid, Spain upang ipakita ang mainit na pagsalubong sa kanilang national team matapos na tanghaling kampeon sa katatapos lamang na FIBA Basketball World Cup sa China.

Iginawad sa team ang heroes welcome at binigyan pa ng reception sa Zarzuela palace para personal na ipaabot ni King Felipe VI at Queen Letizia ang pagbati.

Todo pasalamat naman si Spanish Prime Minister Pedro Sanchez sa mga players dahil ibinandera ng kanilang koponan ang watawat ng Spain hanggang sa “highest level.”

“Thank you for bringing enthusiasm to a country and it makes you enjoy basketball. Thanks to the team for taking the Spanish colors to the highest level.”

Sa ginanap namang victory parade sa tinatawag na Plaza de Colon, hindi magkamayaw ang mga fans sa pagsalubong sa team sa pangunguna ng mga NBA veterans na sina Mark Gasol Rudy Fernandez at FIBA MVP na si Ricky Rubio.

Sumakay ang mga ito sa open-top bus para sa procession.

Para naman kay Spain coach Sergio Scariolo, na inihagis pa sa ere ng mga players para sa selebrasyon, nagbigay pugay siya sa mga players dahil sa tibay ng puso at matalinong utak na naging susi sa kanilang mga panalo.

“You want to know why this team are champions? Because it never gave up, even when things looked ugly,” ani Scariolo. “They deserve to be world champions.” (fiba)

Gasol king rubio
Spain FIBA madrid