-- Advertisements --
Binalaan ng Spain government ang mga otoridad sa Madrid na mapipilitan itong gagawa ng marahas na hakbang kapag hindi nila nakontrol ang pagkalat ng coronavirus.
Ang Madrid kasi ay epicenter ng second wave ng COVID-19.
Ayon kay Justice Minister Juan Carlos Campo na dapat agarang gumawa na ng hakbang ang Madrid government para sa mapigil ang transimission ng virus.
Mula kasi ng tanggalin ang state of emergency noong Hunyo 21 ay ipinaubaya na sa 17 autonomous regions ng Spain ang paghawak nila ng coronavirus pandemic.
Pumapalo na kasi sa mahigit 700,000 kaso ng coronavirus ang naitala sa Spain at mayroong 31,000 na ang nasawi.