-- Advertisements --
Itinuturing ng gobyerno ng Spain na isolated cases na lamang ang COVID-19 at ito ay under control na.
Ito ay matapos na maglabas ng kautusan ang United Kingdom na sumailalim sa quarantine ang mga bibisita sa nasabing bansa.
Sinabi ni Spanish Foreign Minister Arancha González Laya , na ligtas na ang Spain sa mga mamamayan at mga turista.
Nakontrol na umano nila ang nasabing pagkalat ng virus.
Umabot na kasi sa mahigit 270,000 ang kaso ng COVID-19 sa lugar na mayroong mahigit 28,000 na ang nasawi.