Pinayagan na ni Spanish Prime Minister Pedro Sanchez ang pagbabalik ng mga sports sa kanilang bansa.
Simula sa Hunyo 8 ay maaari ng magsimula ang sikat na La Liga football games at ilang mga sikat na sports competitions sa nasabing bansa.
Sinabi nito na mayroong mahigpit na ipapatupad na panuntunan ang gobyerno gay ang pagsasagawa ng pagsusuri sa kalusugan ng mga manlalaro.
Mula kasi noong Marso 12 ay kinansela ng nasabing bansa ang mga laro dahil sa coronavirus crisis.
Ikinatuwa naman ni Spanish League president Javier Tebas ang desisyon na ito ng kanilang Prime Minister dahil makakabalik na sila sa paglalaro.
Noong nakaraang linggo ay ipinagpatuloy na ng Germany ang mga laro subalit walang mga live audience bilang pag-iingat na rin nila sa posibleng pagkalat ng nasabing virus.