-- Advertisements --

Nangako ang Spain na magbibigay ito ng 1 bilyon euros o katumbas ng $1.1-B na military aid sa Ukraine.

Isinagawa ni Spanish Prime Minister Pedro Sanchez ang pangako matapos ang personal na pagbisita sa Spain ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy.

Nagpirmahan ang dalawang opiysal ng security deal sa Madrid.

Laman ng kasunduan ang pagsuplay ng Spain ng mga makabagong military equipment para sa ground, aerial, naval at iba pa.

Sa nasabing tulong ay mapapalakas pa lalo ng Ukraine ang kanilang pagdepensa laban sa pananakop ng Russia.