-- Advertisements --
Inaprubahan ng medical agency ng Spain ang pagsagawa ng first round clinical trials para sa mga tao ng bakunang laban sa COVID-19 na gawa nila.
Ayon sa nasabing health agency na ito ang unang human trial ng vaccine na gawa ng Spanish company na Hipra.
Tumanggap na ng volunteers ang mga pagamutan ng Spain para agad na masimulan ang human trials.
Mula sa Girona City sa northeastern Spain ang nasabing drug company na kayang gumawa ng 400 milyon doses ng bakuna sa 2022. at 1.2 bilyon sa 2023 kapag ito ay naaprubahan na.