Nakuha ni Manchester City at Spain midfielder Rodri ang Ballon d’Or award ngayong taon.
Ito ay matapos na magwagi siya ng apat na magkakasunod sa Premier League title at Euro 2024.
Maraming nasorpresa sa desisyon na paggawad ng premyo sa pinakamagaling na manlalaro sa buong mundo.
Naging paborito kasi na manalo sa award ay si Real Madrid Liga at Champions League double winner na si Vinicius Junior.
Ilang oras bago kasi ang awarding ceremony sa Paris ay inanunsiyo ng Spanish club na ang kanilang delegasyon ay hindi dadadlo sa Chatelet Theatre dahil sa pagbalewala kay Vinicuius.
Ang 28-anyos na si Rodri ay naging susi ng City ng talunin nila ang Arsenal sa Premier League noong nakaraang season at siya rin ang pinangalanang player of the tournament sa Euro 2024.