-- Advertisements --
Muling ipapatupad ng gobyerno sa Spain ang pagsusuot ng face mask.
Ang nasabing hakbang ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Magsasagawa muna ng pagpupulong si Prime Minister Pedro Sanchez sa mga gabinete nito para gawing mandatory ang pagsusuot ng face mask sa lahat ng lugar sa bansa.
Noong Hunyo kasi ng tanggalin ng Spain ang mandatory na pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar.
Sa kasalukuyan kasi ay nasa 80 percent ng mahigit 47 milyon na populasyon ng Spain ang nabakunahan na.
Nitong nakaraang araw lamang kasi ay umabot sa 50,000 na kaso ng Omicron coronavirus ang naitala sa Spain.