-- Advertisements --

Nagdeklara na ng state of emergency ang Spain dahil sa naganap na malawakang kawalan ng suplay ng kuryente.

Sinabi ni Spanish Prime Minister Pedro Sanchez na hindi pa rin nila alam ang pinakasanhi ng nasabing pagkawala ng suplay ng kuryente.

Dahil sa nasabing insidente ay natigil ang operasyon ng mga paliparan at mga train system.

Wala namang nakitang indikasyon ng cyber attacks ang European Union dahil sa insidente.

Matapos ang mahigit anim na oras ay bahagyang naibalik na ng Spanish power operator na Red Electrica ang suplay ng kuryente.

Nagkumahog naman ang ilang mga residente na bumili ng mga gasolina para gamitin sa kanilang mga generators.

Tiniyak naman ng Spanish Government na kanilang papanagutin ang mga nasa likod ng pagkawala ng suplay ng kuryente.