-- Advertisements --

Nagpadala ang Spain ng mga sundalo sa Ceuta, ang border nila ng Morocco.

Kasunod ito ng pagdagsa ng nasa 6,000 migrants sa nasabing lugar.

Karamihang mga migrant na kinabibilangan ng 1,500 na mga kabataan ang lumangoy sa border fences at naglakad sa low tide para makarating sa border.

Sinabi ni Spanish Prime Minister Pedro Sanchez na mayroon ng 2,700 na migrants mula sa Morocco ang kanilang pinabalik.

Dinadagsa kasi ang Ceuta at Melilla sa Spain ng mga African migrants.

Nauna rito gumamit na ng teargas ang mga Moroccan security forces para itaboy ang mga migrants na tumatawid sa border nila ng Spain.