Nagtala ng kasaysayan ang Spain matapos makuha nila ang kauna-unahang kampeonato ng FIFA Women’s Football World Cup.
Tinalo ng La Roja ang England sa score na 1-0 na ginanap sa Australia.
Nakuha naman ni Aitana Bonmatí ang midfielder ng Spain ang Golden Ball Award for player of the tournament.
Habang si Salma Paralluelo ay nagwagi bilang Best Young Player.
Tinanghal naman bilang best goalkeeper o Golden Glove si Mary Earps ng England.
Tinanghal naman bilang World Cup Most Valuable Player Olga Carmona matapos maipasok ang goal sa second half ng laro.
Hindi nito akalain na ang kaniyang nag-iisang goal ay siyang magdadala sa kanila ng kasaysayan na makuha ang kauna-unahang kampeonato ng kanilang bansa.
Labis naman ang kasiyahan ni Jenni Hermoso ang all-time record goal scorer ng Spain kung saan hindi ito makapaniwala sa panalo.
Pinuri naman ni England Manager Arina Wiegman ang kaniyang mga manlalaro dahil sa nalampasan nila ang maraming mga pagsubok.