-- Advertisements --
Sisimulan ng Spain ang komprehensibong coronavirus vaccination program sa Enero.
Ayon kay Prime Minister Pedro Sanchez, na mayroong 13,000 vaccination points na silang itinakda sa nasabing program.
Dagdag pa nito na ang substantial na bahagi ng populasyon ay kanilang babakunahan.
Mag-iimplementa pa rin sila ng single national strategy na sisimulan sa mga priority group.
Magugunitang pumapangalawa sa pinakamataas ang Spain sa buong Europa na may pinakamatas na infection na susunod sa France.