-- Advertisements --
Sinamahan na ng Spain ang South Africa na nagsampa sa International Court of Justice (ICJ) laban sa Israel dahil sa paglabag sa obligasyon nito sa Genocide Convention sa giyera nito sa Gaza.
Ayon kay Spanish Foreign Minister Jose Manuel Albares, napagdesisyon nila ang nasabing hakbang dahil sa patuloy ang military operation ng Israel sa Gaza.
Labis silang nababahala sa dami ng mga nasasawi at ang paglawig ng kaguluhan sa ibang rehiyon.
Magugunitang noong Enero ay kinasuhan ng South Africa ang Israel dahil sa genocide na ginagawa nito sa Gaza kung saan maraming mga sibilyan na ang nadamay.
Isa lamang ang Spain sa mga bansang naghain ng reklamo sa ICJ laban sa Israel na ang ibang mga bansa ay kinabibilangan ng Colombia, Egypt at Turkey.