-- Advertisements --
Tinanggal na ng Spain ang kanilang state of emergency matapos ang tatlong buwan dahil sa coronavirus.
Binuksan na rin nila ang borders sa mga bisita mula sa Europe kung saan pinapayagan nilang pumasok ang mga ito kahit na hindi na sumasailalim sa quarantine.
Sinabi ni Prime Minister Pedro Sanchez, na dapat mahigpit pa ring obserbahan ang kalinisan sa katawan.
Pumalo na kasi sa mahigit 28,000 ang nasawi sa nasabing bansa matapos dapuan ng coronavirus.
Sinimulan ng Spain ang pagpatupad ng state of emergency noong March 14 kung saan pinagbawalan ang karamihan na lumabas ng kanilang bahay.