-- Advertisements --

Pumanaw na ang Spanish actor na si Julian Ortega sa edad na 41.

Hindi na binanggit pa ng kampo nito ang sanhi ng kamatayan ng actor.

SI Ortega ay anak ng Spanish actress na si Gloria Munoz.

Isinilang siya sa Madrid noong 1983 kung saan dumalo ito sa drama school.

Sumikat ito sa drama series ng Netflix na “Elite”.

Lumabas din ito sa iba’t-ibang tv show sa Spain noong taong 2000.

Nagpaabot naman ng mga pakikiramay ang kapwa nitong artista matapos na malaman ang insidente.