-- Advertisements --
Joana Sainz Garcia
Joana Sainz Garcia/ FB image

Patay ang isang Spanish dancer matapos na tamaan ng sumabog na pyrotechnic habang nasa isang concert.

Kasama si Joana Sainz Garcia sa Super Hollywood Orchestra Group sa Madrid ng maganap ang insidente.

Biglang sumabog ang pyrotechnic at tinamaan ito.
Nawalan ng malay ang 30-anyos na dancer kung saan nagawa pa itong itakbo sa pagamutan subalit hindi na ito nagtagal ng buhay.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang promoter ng nasabing grupo dahil sa insidente.