-- Advertisements --

Hindi makakasama sa Valencia MotoGP si six-time champion Marc Marquez matapos na ito ay masangkot sa aksidente noong nakaraang buwan.

Inanunsiyo ng kaniyang Honda team dahil patuloy ang kaniyang pagpapagaling.

Gaganapin kasi ang darating na Nobyembre 18 ang Valencia MotoGP sa Spain.

Magugunitang nagtamo ng minor injury sa kaniyang ulo ang 28-anyos na Spanish rider na si Marquez matapos na ito ay mahulog sa kaniyang motor sa Algarve Grand Prix nitong Linggo.