-- Advertisements --

Nagtago sa loob ng unibersidad ang Spanish rapper para hindi siya maaresto.

Si Pablo Hasel ay nasa loob ng Catalan university matapos na hatulan ng siyam na buwan na pagkakakulong dahil sa lyrics at tweet nito na bumabatikos sa mga kapulisan at sa monarkiya.

Binigyan siya ng kapulisan noong nakaraang Biyernes subalit sinabi nito na kasama niya ang kaniyang mga supporters.

Kailangan pa aniya na pasukin pa ng kapulisan ang Lleda University para siya ay maaresto.

Bukod pa kasi sa pang-aatake sa monarkiya ay binabanatan kasi ni Hasel ang kapulisan sa kaniyang mga tweets kung saan inaakusahan niya ang mga ito ng pananakit at pagpatay sa mga demonstrators at migrants.

Nasa mahigit 200 na mga artista kabilang ang mga film directors at Hollywood stars ang pumirma ng petisyon laban sa kaniyang pagkakakulong.