-- Advertisements --

Inanunsiyo ng tennis star na si Rafael Nadal ang nalalapit niyang pagreretiro sa paglalaro.

Sinabi ng 38-anyos na tennis player na huli na itong maglalaro sa Davis Cup Finals sa susunod na buwan at tuluyan ng magreretiro.

Dagdag panito na labis na ang kaniyang karanasan sa tennis at naisakatuparan na niya ang kaniyang pangarap sa tennis.

Ilan sa mga nakitang dahilan ng Spanish tennis star ay ang pagkakaroon niya ng mga injury na siyang nagiging dahilan din ng kaniyang hindi paglaro sa ibang torneo.

Aminado ito na nahirapan siya sa nasabing desisyon na magretiro.