-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 si Spanish tennis star Rafael Nadal.

Sa kaniyang social media account, nalaman na lamang nito na nagpositibo siya matapos ang pagsabak niya sa Mubadala World Tennis Championship exhibition event sa Abu Dhabi.

Dagdag pa ng 20-time Grand Slam champion na nakakaranas ito ng hindi maganda sa kaniyang kalusugan at umaasang gagaling na rin ito.

Kuwento pa ng 35-anyos na tennis palyer na nag-negatibo ito sa mga isinagawang COVID-19 test sa buong tournament noong ito ay nasa Kuwait at Ab Dhabi.

Hindi naman nito tiyak kung makakasali ito sa Australian Open na magsisimula sa Enero 17.