-- Advertisements --

Umaasa ngayon si dating WBO welterweight champion Jeff Horn na magkakaroon itong muli ng oportunidad na sumalang sa isang world title fight sa kanyang susunod na laban.

Nitong nakaraang buwan nang makaganti si Horn sa kababayang si Micahel Zerafa na kanyang pinatumba ng dalawang beses upang magwagi sa kanilang middleweight rematch.

Ilan sa mga ikinokonsidera ni Horn ang trilogy kay Zerafa, at isang bakbakan kontra sa 25-anyos na si Tim Tszyu, anak ng Hall of Famer na si Kostya Tszyu at naging sparring partner ni Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao.

Kapwa sinabi ni Horn at ng kanyang promoter na si Dean Lonergan na hindi raw sila kumpiyansa na kayang makipagsabayan ng nakababatang Tszyu dahil sa limitado nitong karanasan.

“Tim’s an impressive fighter. He’s done well,” wika ni Horn.

“He’s fought some impressive opposition. He’s impressing people out there and that’s what you need to do in boxing He’s definitely wanting to jump in the deep end, with no floaties on either. Tim Tszyu has definitely got the skills to go up there and fight with the best, but whether he’s got it yet, I just don’t know.”

Nang matanong naman ukol sa isang trilogy kay Zerafa, sinabi ng 31-anyos na si Horn na mas mainam na si Tszyu na lamang ang kanyang harapin.

“I’m sure there’s a lot bigger fights we can take other than Michael Zerafa,” ani Horn.

“World titles are where it’s at. That’s what you want in boxing. If I had a choice – Tim Tszyu or a world title, I’d go the world title.”