GENERAL SANTOS CITY – Napaluhod ni Sen. Manny Pacquaio ang isa sa tatlong foreign sparring partners nito sa nangyaring sparring sessions sa Wild Card Gym.
Sinabi ni Joey Concepcion, Team Mindanao Head ni Senator Manny Pacquiao, na isa sa ginagawang taktika laban kay Errol Spence ang ginamit ni Pacquiao sa di pinangalang sparring partner.
Dagdag pa nito na umabot 15 segundo bago naka-recover ang naturang boksingero.
Kaya naman kampante sila na mana-knockout ni Pacman si Errol Spence ngayong Agosto 22, oras sa PIlinas.
Samantala, naghihigpit ang Pacman Team sa sinumang papasok sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California, USA.
Ayon kay Concepcion, na lahat ng papasok ay dadaan sa antigen test at pagkatapos lagyan ng covid negative bracelet na nagpapatunay na negatibo laban sa virus.
Nalaman na natapos na kaninang umaga ang media day na kinabibilangan ng piling myembro ng International Media.
Sa Media day saglit lamang nagpakita si Pacquiao at sinagot ang iilang katanungan.
Wala ding pinahitulutan na kumuha ng video para hindi masilip ng kabilang kampo.