Kinumpirma ng Japanese defense ministry na “spatial orientation” ang naging dahilan nang pagbagsak ng Japanese F-35 stealth fighter sa Pacific Ocean.
Nangyari ang aksidente na ito habang isinasagawa ang training mission nang nasabing eroplano noong Abril ng kasalukuyang taon.
Ang Japan Air Self-Defense Force jet ay itinuturing na “most sophisticated” aircraft sa buong mundo. Nawala umano sa radar ang F-35. Ayon sa mga otoridad, wala raw naiulat na problema ang piloto ng aircraft na si Maj. Akinori Hosomi.
Ayon sa Ministry of Defense, mayroong 3,200 hours of flight experience ang 41-anyos na piloto.
Inilarawan naman nito ang “spatial orientation” bilang isang sitwasyon kung saan nawawalan ng control ang piloto sa position, attitude at altitude ng eroplano.
Mas malala ang nagiging epekto nito kapag madilim kung saan halos 12% ng Japanese military air accidents ay sanhi ng spatial disorientation.
Natagpuan naman ang mga labi ni Hosomi noong nakaraang taon. Nabatid din sa pag-iimbestiga ng mga otoridad na kalmadong nakikipag-usap ang piloto sa mga ground controllers ilang segundo bago bumagsak ang kanyang sinasakyang eroplano.
Magpapatuloy naman ang isinasagawang inspeksyon sa mechanical at electrical ng iba pang F-35 stealth aircrafts.
Saka lamang babalik sa serbisyo ang mga eroplanong ito kapag nakumpleto na ang inspeksyon, ayon kay Defense Minister Takeshi Iwaya.