Nagpaabot ng kanyang pakikiramay si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa pamilyang naiwan ng namayapang kongresista na si Kabayan Party-list Rep. Ciriaco Calalang.
Sa kanyang eulogy sa plenaryo ng Kamara kaninang umaga, nagpaabot ng kanyang pasasalamat sa kongresista si Speaker Arroyo.
Iginiit ni Arroyo na isa si Calalang sa 163 na kongresist na lumagda sa manifesto of support para italaga siya bilang lider ng mababang kapulungan ng Kongreso.
Ibinida rin ni Arroyo ang mga naging accomplishment ni Calalang kahit pa sandali lamang ang kanyang stint sa Kongreso matapos palitan si dating Kabayan Party-list Rep. Harry Roque matapos naman itong matalaga bilang Presidential Spokesperson.
“Congressman Acoy, you have done so much, not only in loving your children but also in protecting the rights of all children. You have done so much, not only in your practice of law but also in lawmaking, especially those two bills that we have passed already in the Lower House and we hope soon to become laws para mayroon syang legacy sa kaniyang maikling panahon bilang Congressman,†ani Arroyo. “In behalf of a grateful Congress, I express our sincerest condolences to Congressman Calalang’s bereaved family.â€
Pumaw si Calalang, 67, nitong makalipas na Linggo matapos na magkaroon ng “massive strokeâ€.