-- Advertisements --

Suportado ni dating Pangulo at kasalukuyang House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang mga hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa insidente Recto Bank, kung saan pinalubog ng Chinese vessel ang isang bangka ng mga mangingisdang Pilipino.

Sinabi ni Arroyo na maari namang makipagkaibigan ang Pilipinas sa China habang pinoprotektahan ang national interest.

Iginiit ng lider ng Kamara na alam ni Pangulong Duterte ang ginagawa nito.

“We want to be friends with China but the parameter’s also the national interest. That is the same parameter that Pres. Duterte is espousing so I support fully whatever will be his action there,” ani Speaker Arroyo.