-- Advertisements --
NAGA CITY- Nagdududa ang isang political analyst sa nangyayaring girian sa loob ng Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa House Speakership.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Political Analyst Prof. Ramon Casiple, sinabi nito na posibleng cover lamang umano ito para sa iba pang agenda sa loob ng Kongreso.
Ito ay sa kabila ng paghahanda ng lahat maging ng oposisyon para sa mga tatakbo sa darating na 2022 election.
Ngunit ayon kay Casiple, wala aniya sa posisyon ang publiko para alamin ang ganitong mga usapin.
Dagdag pa nito, posible aniyang sa susunod na taon pa malalaman ang desisyon hinggil sa Presidential Election.
Samantala, naman nito man na posibleng tumakbo sa mas mataas na posisyon si Speaker Alan Peter Cayetano.