Pansamantalang sinuspinde ng Senado ang kanilang sariling rules para payagan ang sports officials na sumagot sa tanong ng mga senador ukol sa inilaang pondo sa paghahanda sa 2019 Southeast Asian Games (SEAG) hosting.
Wala namang naging pagtutol si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa naturang hakbang, kahit hindi ito pangkaraniwang nangyayari.
Layunin daw nito na maipaliwanag nang buo ng mga opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) ang detalye ng paglalaanan ng budget para sa pagtatayo ng pasilidad sa New Clark City.
Unang sumalang para sumagot ng mga tanong si PCS Chairman William “Butch” Ramirez at sinundan ito ni House Speaker Alan Peter Cayetano, na pinuno naman ng PHISGOC.
Giit ni Cayetano, walang katiwalian sa SEA Games preparation at kaya nilang sagutin ang lahat ng valid issue sa hosting ng bansa para sa malaking sporting event.
Para naman kay Ramirez, ang paghahanda sa SEA Games ay hindi lamang para isang laro kundi maging sa iba pang malaking sporting event na pwedeng pangasiwaan ng Pilipinas.