Inatasan ni Speaker Martin Romualdez ang House Committee on Appropriations na kaagad pondohan ang pagsasayos o repairs sa Tangos-Tanza Navigational Gate sa Navotas na nasira nuong buwan ng Hunyo at lalong nasira dahil sa malawakang pagbaha sa Metro Manila na dulot ng Bagyong Carina at Habagat.
Ginawa ni Speaker ang kaniyang direktiba matapos magsagawa ng inspeksyon.
Hiniling kasi ni Navotas Rep. Toby Tiangco na bumisita si Speaker Romualdez upang personal nitong matignan ang sitwasyon.
Una ng ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways na bilisan ang gagawing pagsasa-ayos.
Ayon kay Rep. Tiangco na malaki ang maitutulong ng Tangos-Tanza Navigational Gate na maiwasan ang malawakang pagbaha na dulot ng Bagyong Carina at Habagat kung hindi ito nasira.
Ang Navotas ay mayruong 81 pumping stations subalit nasira ang gate dahil binangga ito ng isang barge.
Ayon naman sa MMDA na siyang nag-ooperate sa floodgates posibleng sa buwan pa ng Agosto ang full repairs ng nasabing navigational gates.