Pinayuhan ni House Speaker Martin Romualdez si Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo Teves na umuwi na ng Pilipinas sa lalong madaling panahon.
Sinabi ni Romualdez sa mambabatas na hanggang March 9,2023 lamang ang ibinigay na travel authority ng Kamara para sa kanyang biyahe patungong Amerika.
Una ng sinabi ni Teves na nasa abroad siya para mag stem-cell treatment.
Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na humingi ng extension si Teves para sa kaniyang Travel Authority ng hanggang April 9.
Ngunit hindi ito naaprubahan dahil batay sa panuntunan ng Kamara, kailangan nakasaad kung nasaang lugar magtutungo ang mambabatas.
Naniniwala si Romualdez na makabubuti na umuwi na si Teves para harapin ang kinasasangkutang kaso partikular ang pagkamatay ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Sabi ni Speaker na maganda aniya na marinig ang panig ni Teves hinggil sa pagkakasangkot ng kaniyang pangalan sa pagpatay gobernador.
Magugunita na umamin na rin aniya ang mga nahuling suspeks sa kailang partisipasyon sa krimen.
Siniguro naman ni Speaker na hindi titigil ang pamahalaan para kilalanin at papanagutin ang mga nasa likod ng brutal na krimeng ito.
Inihayag din ni Romualdez na kapag hindi nakabalik ng bansa si Teves lalo at March 9,2023 ang huling araw ng kaniyang official travel, magiging unauthorize na ito.
Sa kabilang dako, inihayag ni Justice Secretary Boying Remulla naka-alis na ng Amerika si Teves at nasa Asya na ito.