-- Advertisements --

speaker1

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na susuportahan ng House of Representatibes ang pagsusulong sa modernisasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Ito ang naging pahayag ni Speaker sa isinagawang HOR-AFP fellowship series (Visayas leg) kasama si AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino.

Binigyang-diin ni Romualdez ang kahalagahan ng modernisasyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang masiguro na magampanan ng maayos ng militar ang kanilang misyon na protektahan ang bansa laban sa mga banta at hamon na kinakaharap ng bansa at mapanatili ang peace and order.

“The House of Representatives is committed to modernize the Armed Forces of the Philippines as it is crucial to our nation’s sovereignty and security. Our military should be equipped with the latest technological advances and training to respond to the continuing threats that we face,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Masayang ibinalita ni Romualdez sa AFP leadership na ratipikado na ng Kongreso ang panukalang batas na layong ayusin ang termino ng military officers.

Sa naturang panukala itatakda ang retirement age ng mga kawani ng AFP sa 57 years old, maliban sa AFP chief of staff.

Magkakaroon din ng 3-year fixed term ang AFP chief of staff na kailangan niyang tapusin.

Naniniwala si Speaker na sa nasabing paraan, matitiyak ang maayos na turnover ng liderato para sa isang propesyunal na AFP.

“Regular turnover can ensure that new ideas and perspectives are constantly being introduced and that there is a healthy culture of competition and meritocracy within the Armed Forces,” pahayag ni Romualdez.

Ipinunto din ni Speaker ang kahalagahan ng pagkakaroon ng magandang ugnayan sa pagitan ng AFP at Kongreso upang mas maayos na mapagsilbihan ang taumbayan.

“As we all know, the relationship between the legislature and the Armed Forces of the Philippines is essential to the well-being and security of our nation. In order to strengthen this bond, it is important to engage in activities that promote camaraderie and mutual understanding,” wika ni Speaker Romualdez.