-- Advertisements --

Ipinagtanggol ng kampo ni US House of Representative Speaker Nancy Pelosi ang pagkalat umano ng video sa paglabag nito sa ipinapatupad na protocol para tuluyang mapigil ang pagkalat ng coronavirus.

Makikita kasi sa video na nagtungo si Pelosi sa hair salon sa San Francisco na pinapayagan lamang bilang outdoors service.

Nasa leeg din ang face mask nito imbes na ito ay nakasuot sa bibig.

Isa kasi si Pelosi na bumabatikos kay US President Donald Trump dahil sa hindi pagsusuot nito ng face mask.

Ayon sa tagapagsalita ni Pelosi na si Drew Hammil na may personal appointment si Pelosi sa nasabing salon at pinapayagan lamang sila na magpapasok ng isang kliyente lamang.

Hindi naman pinalampas ni US President Donald Trump na batikusin si Pelosi kung saan pinayagan niya umanong magbukas ang salon para sa kaniya habang maraming mga negosyo ang nananatiling sarado at hindi pa umano ito nagsusuot ng kaniyang face mask.